Friday, March 20, 2009

Si Tina Pa(y)ner at si Lyka


Dalawang linggo din akong absent sa Thirstnights with the Thursday group. Super miss ko na sila. Medyo late pa ako dumating pero umabot pa rin naman ako. Absent si Bing. Namatay daw ang grand aunt nya kaya umuwi sya ng probinsya. Sina Jen, Tina at ang gelpren lang ni Jen ang nandun.

Kung gaano ko sila na miss, ganun din naman sila sa akin. Beso to the max! Hey now! The Beyotch is back. Aktwali, magdadrama sana ako sa kanila dahil kay "Pill"... Si "Just Like a Pill" ba? Well, prepared na ako ma okray. Pano naman kasi, mainlab ba sa YM sa bilis ng isang oras at sa batang (toink) disisais? Wenong magagawa ko? Madaling mahulog ang utak ko. You heard it right peepols... Mas nauuna kasing mahulog ang utak ko kesa puso ko. That's the quickest way to my heart. F*ck my brains and I will f*ck you silly. Stimulate my neurons and you stimulate my heartstrings!

Sige na nga! Hindi ko naman kasi dapat pag eemote-an ang simbilis ng kidlat din na pag babawi nya ng mga matatamis nyang mga pangako with the ever classic line, "I need time to think..." Ang pagdadramahan ko sana ay ang mabilis din nyang pagkahanap ng pamalit sa akin. The quick brown fox f*cked the lazy dog without a tinge of remorse. Kala ko ba you need time to think? Well, sabihin man natin na kahibangan ang umasa na maayos at nasa lugar ang pinasok ko, kasi nga, hello naman, Kamikaze na nga, Blitzkreig pa. Kung may bibilis pa sa kisapmata, yun na yon! Kagaguhan na kung kagaghuan, pero tingin ko naman, it deserves a mourning period, at konting respeto, na siguro, dahil bata sya, ay hindi nya alam ang kahulugan. Besides, tao pa din naman ako, at gusto ko lang mag emote. Bakit ba? Walang puke-alamanan!
Before ko magagawa yan, syempre pa, jam muna sa banda at sayawan. Mimya na ang emote. Balitaan ng bonggang bongga, kumustahan at kung anik anikan pa. Duda ako, may pinaplano sila para sa birthday ko. May ibubugaw siguro sila sa akin, kasi ang pambunggad ni Jen,

"So? How's your heart? Someone from Le Manille captured it while you were there, or do we still need to do something drastic in time for your birthday, so you can have your cake and eat it, too?"

"Someone from Le Manille captured it when I already came back here... and it was all a big joke!" sagot ko. "Wala na akong perang pambalik dun kasi... kung meron lang...And speaking of drastic, if that was not drastic, then I do not know how else to call it... tragic perhaps?"

Biglang emote si Tina... "Pera! Pera lang naman yan eh... Parang dapat di ka maubusan para di rin nauubos ang pagmamahal nila sa yo, tangina!"

Aba'y heavy drama na ito! Turns out, ang kalampungan nya the last Thirstnights we had before I went to Manila, is not only history, but is a recession history...

"Oh? Bakit? Akala ko ba mahal ka nya? Di ba nga sabi mo iba to? What happened?"

"Mahal nya nga ako... Mahal na mahal... di ko maaford sa sobrang mahal. Iba nga sya, kasi hindi harap harapan kung manghuthot."


Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis ako. Niyakap ko si Tina. Flow na the tears...

"Mahal nya lang ako dahil sa mga bagay na maibibigay ko sa kanya... Sapatos, damit, gabi gabing gimik, inom, load... Tangina... nung makakita ng mas malaking isda, ayun, mabilis pa sa ATM machine!"

Nainis na ako. Kung nandun lang ako, nakita ko malamang yun, at napagsabihan ko si Tina. Malamang nabugbog ko yung gagong lalaking yun! Este, baklang yun. Bi daw sya... Bai-yot! Kapal kapal kaya ng foundation ng hinayupak na yun! Di bale nang ako ang masaktan, wag ko lang nakikita na nasasaktan ang mga kaibigan ko!


"Nagpapahaging na kasi yun na gusto daw bumalik sa school. Siyempre hindi naman ako educational grant, foundation, scholarship or endowment. Sabi ko, tignan ko muna. Kaya pala di na sya nangungulit nun. Inenroll na for summer ng bago nyang biktima!" patuloy ni Tina.

Magrereact na sana ako violently pero natememe na lang ako sa sagot ni Jen.

"Bata kasi!"

Nag eecho sa pandinig ko ang sinabi nya... Goodnes gracious... Matrauma yata ako sa bata neto ah! Kailangan ko na ba ulit ibalik ang age limit ko sa original na bracket? Kainis lang na kinailangang mangyari ang mga to kung kelan wala ako.

"Pinagyayabang pa nya ngayon ang bago nya. Nakabalandra sa friendster nya, sa facebook, sa YM at saan saan ang bago nya! Hindi man lang nya naiisip na masasaktan ako lalo. Di ko naman sya ma remove or ma block. Magmumukhang bitter naman ako nun. At saka, ako ang mas nakakatanda, ako dapat ang nagpapakita ng maturity kahit pa sa pagtatapos namin, at kahit nasasaktan ako ng sobra," patuloy ni Tina!

PAKSHET! Tumbok na naman ang Batchoy Boi. Saktong sentimyento ko. Gusto kong sabihing, ganyan talaga sila eh... kung sino pa tong nangiiwan at nangwalanghiya, sila pa tong malakas makainsulto, pero hindi ko na nagawa... lumilipad na rin ang utak ko.

Nauna na si Jen kasi senglot na ang gelpren. Naiwan kami ni Tina. Wala akong masabi sa kanya. Yakap na lang at hagod sa likod. Pakshet naman kasi eh!

Lumiwanag ang mundo nung may tumawag sa pangalan ko.

"Luis? Luis Batchoy?"

Lumingon ako. OH to the EM of the GEE!!!


Bumaba mula sa kanyang kaharian sa kalangitan sa tuktok ng bundok ng Olympus ang aking Blogging Goddess! Ang taong higit kaninuman, ay nag inspire sa akin at patuloy na nagiinspire sa akin para magpatuloy sa pag boblog!

Ang walang katulad at nag iisang LYKA BERGEN! Shetshetshetshetshet! Oo nga naman at umuwi nga pala sya!

LYKA! When ka pa dito? Hanggang kelan ka? Can I offer you anything? Drinks? Coffee? My undying love and devotion? Chos!

Pinakilala ko si Tina at si Lyka. Chikahan at balitaan kami ni Lyka. Nagtanungan kung sino sino ang mga blogger na nameet nya sa Le Manille. Tinanong ko kung kyuti ba ang isang crush ko sa blogosphere... Oo, ikaw yun! Crush ko ang utak mo! Galing mo mag-isip/sulat kasi eh! Pero hindi rin nagtagal ay umalis din si Lyka kasi nga kailangan nyang bumalik sa mga friendship nya sa taas. Nag pramis naman syang mag titext soon.

Kami ulit ni Tina. Kahit papano, naging light na ang moda. Paano naman kasi, bisitahan ka ba naman ng liwanag ng Dyosa? In conclussion sa istorya ng mapait na karanasan ni Tina, nanumbalik naman kahit papano ang kanyang wisyo at nagtwanan na lang kami sa mga kalechehang nangyayri sa mga buhay buhay namin. Halos panabay pa kaming nagsabing...

YJ, alam mo to, kaya join ka! All together now!


"Tanginampakshet nyo! Magpakasarap at magpakasaya kayo sa ngayon, kasi, I swear! Magkakahiwalay din kayo!"

Bitterness?

Kwak sabi ng duck!

Photo Credits:

http://www.myspace.com/chiquilla0417
http://www.vloggerheads.com/xn/detail/u_3hcnm7zdmi6te
http://theurbancoredotcom.blogspot.com/2006_03_01_archive.html
http://depts.washington.edu/tc/wordpress/?p=1559
http://www.mukamo.com/anne-curtis-as-dyosa-abs-cbn/
http://www.mylot.com/w/photokeywords/ampalaya.aspx

14 comments:

Anonymous said...

dude, i think its time for you to move on.

can't you just be happy for him?
act ur age. and DATE ur age.

live your life to the fullest.

Luis Batchoy said...

anon: hahaha... now THIS made me laugh... hilarious! Do know that this post is NOT all about him or me. This is about Tina and Lyka. Funny how you betray your anonymity by zeroing in on that microscopic detail. Now here are your pompoms... go cheer and be happy for him if you want. brave talk for an anon... Own up 'dude'... Sheesh!

blagadag said...

please tell tina, he should rejoice. it was his liberation from the exploiter that happened to him. ang huthutan ang isang bading ng isang lalaki (bata man o matanda) na nagtatago sa salitang pag ibig ay isang krimen at ang pag-iyak dahil sa paglisan nito sa kanyang piling ay isang kahungkagan. sa mga balak maging mambabatas na bading o tomboy, dapat gawing krimen ang panghuhuthot sa mga bakla.

additional batchoy pa noy. duha ka yahong. lista mo anay to ha. huh.

citybuoy said...

lol at anonymous. hirap talaga ng di nagbabasa.

one of my favorite lines from y tu mama tambien: Play with babies and you'll end up washing diapers. kahit anong mangyari, marami talagang people na may pagka immature. minsan nga age has nothing to do with it eh. just don't let them get you down.

nice blog. blog on!

parteeboi said...

The quick brown fox f*cked the lazy dog without a tinge of remorse. - ahehehe...

hay... daghan ko'g friends na mga huthuterang bayot, despite the fact, i love them. haay. i guess im too friendly... ahehe. joke. pero, dili man ko nila ginahuthutan.

"Kung walang nagpapahuthot, walang manghuhuthot."

Tayong mga bading, kahit majombag at balahuraen ka na ng mga partners mo, hindi at hindi pa rin tayo madadala, because we naturally believe in LOVE.

Herbs D. said...

hear hear! mga leche talaga yang mga yan. di na mahiya. true ka diyan

mrs.j said...

hi luis di ko knows if u knows me pero anyways...kabog ka dyan sa sinabi mo kay anon winner\

and i miss lyka na din meet him din dito sa manila...tc

Jersey said...

I agree trully..

Nowadays wala nang kwenta sa mga kabataan and pagiging desente at breeding. Ewan ko kung ano ang nangyari sa generation Z na to at parang bumalik sa kahayupan, when the rest of humanity has moved on to ipods, computer and yeah, morality, intelligence and culture...

Though we choose the people we relate with, it is not proper for them to take liberties with our lives per say. We choose the people yes, but it was not an open invitation na magaguhan na lang..

So, advise ko... Kung ginago ka, all the more the reson that you continue your moral ways.. So that the difference between how human you are and how much of an animal he is is CLEAR as the blue sky..

Then you will realize that HE should pity himself, and not you crying over him...

Luis Batchoy said...

blagadag: I will tell tina. thank you... sige lang, batchoy lang, lista ko lang di galing hehehehehe

citybuoy: thanks for dropping by my blog. Adding u in my roll. You are right. Age has nothing to do with it. I have been with guys 8 years my senior and they are no better either. hehehee.

partee: well, at least try to tell ur friends not to be huthutera's hehehehehe. thanks for visiting

mrs j: matagal ka na sa blog roll ko kaya oo kilala kita...hehehehe... I will tell lyka u missed her when we meet again.

dawn: Gawd! The taking liberties with our lives thing! We allow them to a certain degree and at times it just gets so infuriating! Miss yah na friendship!

reyna elena said...

luisitoooo!

naipost ko na sinabi ko seyo. go ka naman o. baka ikaw na ang hinahanap kong makatulong. :-)

Elmo said...

kawawa naman si tina. sana makatagpo na siya ng tunay na magpapasaya sa kanya.

Luis Batchoy said...

reyns: try ko po best ko

remo: sana nga... pati na rin lahat tayo...hehehehe

Yj said...

alam na alam ko yan...

AT MAY PINATUNGUHAN!!! KAYA ULIT_ULITIN HAHAHAHAHA

I SWEAR POWERFUL ANG CHANT NA YAN!!!

Luis Batchoy said...

yj: yes naman! Meron talaga
! Hehehe