Friday, March 6, 2009

Thirstday: Part 2 of 3 Iloilo Epilogue


Lumingon sya sa mesa kung asan andun ang mga kasama nya. Nagsalita na ako.

"You wanna go back to your group? That's fine with me...tsk tsk tsk... sayang.... kala ko pa naman..."

Pinagpawisan si mokong. Kinuha number ko.

"Wait, let me handle this properly"

Nung bumalik sya sa mesa nya, super cheering ang Thursday Group

Tina: Taray! Haba haba ng hair, sarap ibraids!
Bing: Finally, may nadala ka na ding prospect sa Thursday group! Kala namin tuloy mongha ka talaga eh.
Tawanan... Si Jen ang nag point out ng sumunod na eksena
Jen: Well, not really! Look, he's leaving na! Na scare mo yata, Ana.

True enough, the guy was getting up, got his wallet, left some bills with his group, drained his bottle, and started walking away with out even looking at us. Diretcho lang syang lakad palayo...

Bago pa magkantyawan ang Thursday Group dahil sa isang malaking paso on my part, biglang ring ang phone ko. I proudly brandished it and said... "Tumatawag sya! I'm sure! Belat nyo!"

Actually hindi ko alam na sya ang tumatawag. Gut feel lang. Sya nga. Sabi nya, nasa parking lot daw sya. Nagpaalam lang daw sya sa barkada nya na uuwi na kasi sumakit bigla ang sikmura. Pwede ko ba daw syang puntahan? Ayaw maniwala ng Thursday Group. Sinamahan pa talaga ako ni Jen. Nung makita nya na si Chabi nga ay nag aabang sa kabilang kanto, sinabi nya sakin that if I wanna go, okey lang. Basta ingat lang daw ako. Naglakad na pabalik si Jen. Pumasok naman si Chabi sa isang silver na RAV4. Shalan lang!


Pumasok na rin ako. Tinanong ko sya kung san kami pupunta. Sinagot nya lang ako ng trust me!
Nagdrayb sya, at nahalata kong palabas na kami ng city papuntang South. Hala! Kikidnapin ako nito, mamasakerin at itatapon sa dagat! Na ramdaman nya siguro ang fears ko. Hinawakan nya ang kamay ko. Nagsmile... pagkasarap sarap.

"Mag uusap lang tayo. Ayoko sa mataong lugar. Gusto ko tayo lang. Don't be afraid. I mean no harm. Here, use my phone to call your friends. Give them my plate number. So you could make sure nothing happens. Here's my wallet. You'll find all my ID's there. Give them my name, if you want."

It was more his smiles that disarmed me. I looked out the window. OA na sa layo to ha! To think guzzler ng gasolina ang RAV4!

"San ba tayo pupunta kasi? Sa Miag-ao? Don't tell me dadalhin mo dun sa simbahan. Hello sarado na yun no. Bilis mo naman, pakakasalan mo na agad ako?"

Tumawa lang si Chabi...

"I was right. You're funny... I see the spark of wit in your eyes kasi. That's what I liked about you. The groove of your body when you dance is just a bonus!"

Ganun? Nakikita mo ang mata ko from afar? Kumusta naman ang xray vision ni Superman!



When we reached Shamrock Resort in Guimbal, ipinasok nya ang sasakyan sa resort. He parked, got out, held my hand, and walked to the beach front. Naman!

Naupo kami sa shore. Nag usap. Nagtanungan. All this time, he was holding my hand.

"Andaming stars no? Ganda pa ng bwan. Di mo nakikita sa city to kasi eh."

"Mas magandang view ang dagat. So peaceful," sagot ko.

"Pinakamaganda na nakahawak ang kamay ko sa yo! Nothing beats that!"

He leaned in for a kiss... Sorry guys, marupok ako! Specially under the moon and the stars on a serene beach. We ended up hugging each other while talking. When it became too cold, we went back to the car to drive back to the city.

Choobikantinyood

Photo Credits:

http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewProfile&friendID=246693283
http://www.my-toyota-tour.com/2006_Toyota_RAV4.html
http://www.vectorjungle.com/tag/night/

4 comments:

Gram Math said...

ang haba naman ng hair mo teh!! cheers!

blagadag said...

lavet. can i have another bowl of not so hot batchoy, please.

Dawn said...

UMUWI KA NA!!!!!!!

right now na na!!!

hahahahahahahahahahahahahahaha

shalan ka, at talagang under the pale moonlight pa

hhahahahahahahahha

Luis Batchoy said...

gram: there are days, indeed...heheheheh

blag: just go and grab one... slef service tayo dito

dawn: oh well... romantic and evratheng!