Sunday, October 26, 2008
Bahaycation
Wala kaming 'Legal' sembreak this year. Paano naman kasi, meron pang nalalamang pre-fi , pre-final ang hinayupak na professor namin sa Criminal Law Review. Bukas, meron ding make-up class ang prof naman namin sa Labor Law Review. Atleast make up lang. Samantalang si Judge sa Crim Law Rev, magbibigay pa ng Pre-Finals sa October 29, at Shempre, Finals sa Nov.10, which is, spill over na sa 2nd Sem. Naiinis ako pero anong magagawa ko.
Sa 2nd sem naman, mag oofer daw ng non-credit units for Tax Review, kasi wala namang Tax Review sa Curriculum. Maganda sana, kasi, I feel I need all the Review and help I could get in preparation for the Bar Exams. Ang problema, dahil nga non-credit, Sundays ang classes. Watdapakinchef? Sundays? Eh yun na lang araw ng pahinga ko eh! Pati ba naman yun? Argghhh!
Halos lahat ng mga kapatid ko na kasama ko dito sa bahay nasa bakasyon mode. Yung youngest sister ko, sumama na sa boyfriend nya dun sa bahay ng lalaki sa probinsya sa Lambunao. Sembreak eklat ang drama ni Miss Nurse to be. Yung kapatid kong lalaki, dinala ang anak at asawa nya dito sa bahay at nandun naninirahan sa kwarto nya ngayon. Sembreak lovin' ang moda nila. Yung mga panyero't panyera ko di ko na mahagilap. Kanya kanyang 'quick get-away' at nagtitext back na lang ng "see you in school monday!" The past three days, nagbabahaycation lang ako. Wala akong ginawa kundi humilata sa malaking kama ko all day. Pag ginutom, lalabas, titignan kung ano ang makakain sa baba. Pag hindi ko feel, lalabas, magdadrive sa pinakamalapit na grocery store, at bibili ng Coke, chips at kung anek anek. Babalik sa kwarto, magboblog, mag ho-hop at lumafang lafang ng biniling chips. Pag naubos na, kukuha ng isa sa mga nakatambak na novels, magbabasa at minsan, manunood ng porn, magbabate, matutulog, magigising, repeat step #1.
Gusto ko sanang mag mini get away. Last time, nag Bacolod ako, pero isiningit ko lang yun kahit me exams pa ako, kaya napagod at na stress ako lalo. Pwedeng pumunta ng Capiz, kaso, pag nagpupunta ako dun, nagbabahaycation lang din naman ako sa bahay nila Braxi. Ganun pa rin naman ang moda. Pwede din akong pumunta sa Antique, kila Mother John, kaso andito si Mother John sa Iloilo at naloloka kasi one week na sya lagpas sa deadline nya sa sinusulat nyang eklavu para sa Homeless People's Federation, na hindi ko sya mayayang magkape man lang, o mag 'Thursdates' sa paborito naming restaurant by the road side sa Coastal Araut, sa Dumangas. Pero mostly, easy lang ako. Chillax!
Lumalabas din naman ako. Maliligo ako at around 7:00 PM para mag duty sa iniwanang obligasyon ng tatay ko sa akin. Pagkatapos nun, tatambay lang ako sa kapehan, magkakape, syempre, and in a while, mag da-drive pauwi. Kagabi nga nag Halloween party ako di ba? Ewan ko ba kung pagod ako o tinatamaan lang ako ng tamadgic days.
Mamayang konti, lalabas na naman ako. After this post, maliligo at magbibihis ako. Birthday ni Mareng Ian. Magpapa intimate party sya for selected friends, na kasama ako dun obchorz! Dun sa MO2 Annex gaganapin. Isang private room videoke party and moda, kaya ahermm ahermmm, masusubukan ang Platinum Voice ko mamaya. Hafi hafi birthday Ian. Sana this year, magkalakas loob ka nang magka jowa para mabago naman yang NBSB status mo!
Pinaplano ko na din for the past three days, na gumising ng maaga (spell ASA!) para dalhin ang sasakyan ko sa talyer, iiwanan yun dun at ipapa check, mag commute papuntang salon kung saan kinukulit na akong bumisita ni Manay Jocyl kasi manager nga sya dun, oh di kaya, sa Salon ni Mader Jhett, para magpa manicure/pedicure. Itchurang mag uuling na daw ang mga kuko ko say nilang dalawa. Tapos nun, magpapamasahe sa isang SPA. Yung bugbog saradong masahe talaga para lumambot at gumaan naman ang naninigas na mga kalamnan sa likod.
Oh di kaya... pumayag na sa kinukulit na blind date sa akin ni Mikey. Haynaku...
On second thoughts, masarap maligo ngayon, bumalik sa kama ko at
Ngggoooooorrrrkkkkkzzzzzz... Sarap sana mahiga sa bed slothing away tapos me ganito, no? Saya kaya nun. Anyhoot, mamya after the videoke party, I'm sure itutuloy ko na naman ang pagbabahaycation...Unless destiny gets in the way and the galaxy conspires. Hmmm, asan na ba yung "I'm gonna get lucky tonight" shirt ko? Ay never mind... yung "I'm gonna F*ck someone tonight pants ko na lang..." Hehehehe.
Masarap naman magbahaycation in fairness...
Sana may kasama akong nag babahaycation. Sama ka?
Photo Credits:
http://www.bahaybahayan.com/
http://blog.wired.com/wiredscience/
http://www.pcij.org/blog/?p=2269
http://www.personalizedwrappers.com/
http://www.gaylordhotels.com/
http://profile.myspace.com/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment