Tuesday, October 28, 2008

In the name of Lourve


What is done out of love always takes place
beyond good and evil.

-Friedrich Nietzsche

Natutuwa ako kay Nietzsche. Meron akong widget dyan sa baba ng blog na to na nagbibgay ng bagong quote galing sa kanya araw araw. Today, yang nasa taas ang nakalagay at natuwa ako. Hindi kasi sya naniniwala sa diyos. Actually, sabi nga nya eh "God is dead, long live god!" Tapos sabi nya, the death of god is the beginning of the super human. Pagkakaintindi ko kasi nun, ang tao kasi, kung ano anong mga bagay ang pinapa 'sa-dyos'. Yung mga taglay na kahinaan, pinapa sa-diyos. Kung ano mang lakas ang meron naman, di dapat nalagpas sa lakas, katalinuhan at kagalingan ng isang makapangyarihang diyos na namumukod tangi at nangingibabaw sa lahat lahat na ng aspeto. Syempre! Diyos yun noh! Haller!


Kaya kapag nagtatagumpay ang tao, dahil sa diyos. Laging kaakibat ang diyos. Kung wala ang diyos, mukhang hindi kakayanin yung nakaya nya dapat. Kung maging mahina man, at matalo, me rason na naman ang diyos kung bakit ganun. Ibig sabihin, laging factor ang diyos. Kaya, para kay lolo Nietz ( nyets daw oh, parang nyeta no?) Hehehe... pag pinatay daw ang diyos, mas lalabas ang tutoong kakayanan ng tao. Dahil walang diyos na sisisihin at irarason sa mga kapalpakan at kahinaan ng tao. Ang kalakasan at tagumpay ng tao ay kanya at dahil sa kanyang pagpupursige at pagbubuhos ng kung ano meron sya bilang tao. Ibig sabihin, walang ibang gagawa ng kanyang tagumpay o pagkatalo kundi tao mismo, at ang kanyang kakayahan na kontrolin ang kanyang sariling buhay at sariling 'destiny' o kahihinatnan sa buhay. Ang tagumpay ng tao ay dahil sa kanyang sarili lamang at wala nang iba pang ka chenelynan na superior being, divine intervention o master plan. May punto nga naman si lolo Nietz.


Aktwali, hindi naman talagang diskurso tungkol sa kung meron ngang diyos o wala. Dahil nga naniniwala akong me diyos, yun na yon. Kahit di ako kasintalino ni lolo Nietz. Bobo na ako kung bobo pag nagkaganun. Bahala na. Merong diyos. Yun na yun para sa akin.


Kumbakit ako natutuwa sa sinabi ni lolo Nietz na naka quote dyan sa taas ay ganito.

Kahit para sa isang tao na di naniniwala o gustong patayin ang diyos, ay naniniwala pa rin sa


PAG-IBIG! LOURVEEE! LAVAVOO...


Ang isang pag-ibig na lampas sa depinisyon ng tama or mali; good or evil. Basta! Love. Nag eexist sya para sa isang taong kinukwestyon ang pag eexist ng diyos na para bang mas malaki pa ang Love na ito sa konsepto ng diyos.

Nakakatuwa naman. At ang ginagawa daw dahil sa pag ibig na to, ay nangyayari sa isang lugar o pagkakataong lagpas pa o labas na sa kabutihan at kasamaan. Tama si lolo Nietz! Naniniwala ako. Tama lang nga na maniwala sa pag ibig at ang mga bagay na ginagawa sa ngalan ng pag ibig ay lagpas sa konsepto ng kabutihan o kasamaan.


Mabuhay ang Pag ibig at ang mga taong gumagawa ng mga bagay sa ngalan ng pag ibig! Taralets... umibig tayo! Tutoo ang pag ibig! Maniwala tayo!
Ako naniniwala...
Tanginampakinchef naman kasi, ba't naman kasi antagal tagal naman kasi dumating nyang hinayufarks na FAG-ibig na yan eh... Si God kasi eh! Joke!


Photo Credits:

http://www.futureofthebook.org
http://encefalus.com
http://www.nietzschecircle.com
http://www.cosmosmagazine.com/node/1125


1 comment:

jericho said...

ay imfeysiyent ang lola ... chos!